Sa huling termino ni DS WES Gatchalian sa Mababang Kapulungan, handog niya sa ating mga kababayang ang SERBISYONG KAKAIBA sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto na mag-aangat sa antas ng buhay ng mga Valenzuelano ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.
SUMMARY
*Pindutin ang link para sa karagdagang impormasyon ukol sa mga proyekto
FINISHED | CONSTRUCTION ON-GOING | (Target completion: 2022) | |
1. Wellness Entertainment Sports (WES) Arena | P310,000,000.00 | 5. WES Events Space | |
2. WES Events Space Dalandanan | P39,000,000.00 | • Lawang Bato | P20,000,000.00 |
3. VOM Mega Pumping Station | • Canumay West | P50,000,000.00 | |
• Wawang Pulo | P513,789,459.50 | • Casa De Polo | P50,000,000.00 |
• Coloong | P513,789,459.50 | 6. WES Center | |
• Veinte Reales | P250,000,000.00 | ||
4. Bypass Roads | • St. Jude Malinta | P40,000,000.00 | |
• Bignay-Puntutin Bypass Road | P28,129,039.32 | • Eden Malinta | P40,000,000.00 |
• Lawang Bato-Punturin Bypass Road | P29,479,480.19 | • Palasan | P40,000,000.00 |
• Canumay West-Lingunan Bypass Road | P30,167,476.78 |
WELLNESS ENTERTAINMENT SPORTS (WES) ARENA
Ang WELLNESS ENTERTAINMENT SPORTS (WES) ARENA, sa Barangay Punturin, ay ang natatanging world-class multisport arena sa Lungsod ng Valenzuela. Ito ang bagong tahanan ng mga paboritong larong pampalakasan ng Pilipino, tulad ng basketball, volleyball, at boksing. Dahil sa state-of-the-art na pasilidad nila, siguradong mahahasa ang galing ng mga atletang Valenzuelano upang maging bihasa sa kanilang mga larangan. Ito ay binuksan na noong ika-7 ng Oktubre 2021. Habang tayo ay nasa gitna pa ng pandemya, pansamantala muna itong magsisilbi bilang MEGA VACCINATION CENTER.
[Not a valid template]Facilities: | Basketball court, badminton court, volleyball court, boxing ring, martial arts room, dance studio, darts area, chess tables, billiards tables, food kiosks, medical clinic, VIP holding room, referee room, dugout, and locker room. |
Lot area: | 1.2 hectares |
Floor area: | 5,025 sqm. |
Seating capacity: | 1,563 pax |
Standing capacity: | 2,000 pax |
Cost: | P310,000,000.00 |
Panuorin ang WES Arena promotional video:
WES EVENTS SPACE DALANDANAN
Ang WES EVENTS SPACE, sa Barangay Dalandanan, ay isang magarbo ngunit abot-kayang multipurpose events space para sa mga Valenzuelano. Ito ay may maaliwalas na mga event room, paradahan para 100 na sasakyan, pantry, at iba pang mga pasilidad para sa pagdiriwang ng kaarawan, kasal, anibersaryo, at iba pang pagpupulong ng ating mga kababayan. Ito ay binuksan na noong ika-16 ng Hulyo 2021.
[Not a valid template]Amenities | Multi-purpose main hall, food preparation area, comfort rooms, balcony, administrative office, catering office, dressing room, reception lobby and 100-slot parking area. |
Cost: | P39,000,000.00 |
Panuorin ang WES Events Space promotional video:
VOM MEGA PUMPING STATION
Ang VALENZUELA-OBANDO-MEYCAUAYAN (VOM) MEGA PUMPING STATION sa WAWANG PULO at COLOONG ay bahagi ng Caloocan, Malabon, Navotas and Valenzuela City (CAMANAVA) Flood Control Project. Ang pagtatag nito ay maiging sinuri at binantayan ni DS WES Gatchalian, upang masiguro na state-of-the-art na makabagong teknolohiya ang gagamitin. Ang proyekto ay pagtugon sa suliranin ng madalas na pagbaha sa Valenzuela at mga karatig-bayan nito.
[Not a valid template]WAWANG PULO | COLOONG | VEINTE REALES | [on-going] | ||
Discharge pipes: | 4 | Discharge pipes: | 2 | Discharge pipes: | 4 |
Cubic meter per sec.: | 14 | Cubic meter per sec.: | 7 | Cubic meter per sec.: | 83 |
Panuorin ang VOM Mega Pumping Station promotional video:
BYPASS ROADS
Ang mga bypass road sa iba’t ibang bahagi ng Valenzuela ay pinagawa ni DS WES Gatchalian upang bigyan ng alternatibong ruta at maibsan ang kalbaryo sa trapiko ng ating mga kababayan sa kanilang araw-araw na byahe upang maghanapbuhay para kanilang mga pamilya.
BIGNAY TO PUNTURIN BYPASS ROAD | LAWANG BATO TO PUNTURIN BYPASS ROAD | LINGUNAN TO CANUMAY WEST BYPASS ROAD |
P28,129,039.22 | P29,479,480.19 | P30,167,475.78 |
[ON-GOING] WES EVENTS SPACE
Dahil sa tagumpay ng WES Events Space Dalandanan, minabuti ni DS WES Gatchalian na dagdagan pa ang mga magarbo ngunit abot-kaya na multipurpose events space sa Valenzuela, upang mapalapit sa nakararaming tao. Magkakaroon na ng karagdagang WES Events Space sa Lawang Bato, Canumay West at Casa de Polo.
LAWANG BATO | CANUMAY WEST |
P20,000,000.00 | P50,000,000.00 |
[ON-GOING] CASA DE POLO
Halos 400 na taon na mula noong itinatag ang bayan ng Polo, na mas kilala na ngayon bilang Lungsod ng Valenzuela. Naging saksi ang Polo sa paglago ng Katipunan, sa tulong ni Pio Valenzuela, isa sa mga tanyag na rebolusyonaryo ng ating bansa. Hango sa pangalan niya ang pangalan ng ating lungsod.
Ang CASA DE POLO ay isang pook pasyalan na itatayo bilang paggunita at pagsasapuso ng makulay na kasaysayan ng Valenzuela. Layunin din nitong ilapit sa ating mga kabataan at sa mga susunod na henerasyon ang nakaraan, na siyang pundasyon ng ating progresibong Lungsod.
[Not a valid template]Cost: | P50,000,000.00 |
[ON-GOING] WES CENTERS
Magkakaroon na rin ng WES CENTERS sa Malinta, Palasan, St. Jude, at Eden. Ang bawat WES Center ay may state-of-the-art wooden basketball court kung saan maaring maglaro at mag-ensayo ang mga kabataan at atletang Valenzuelano.
ST. JUDE, MALINTA | EDEN, MALINTA | PALASAN |
P40,000,000.00 | P40,000,000.00 | P20,000,000.00 |